Pages

Monday, August 2, 2010

Tonio, salang ka!

1 new message recieved: May available b kau na male therapist?

Lamas Massage (syempre hindi tunay na pangalan ng spa namin): Meron po.

1 new message recieved: Magkano?

Lamas Massage: 250 po ang 1 hour. :)

1 new message recieved: Magkano kapag 2hrs?

Lamas Massage: 470 po.

1 new message recieved: Ahh... mas mura... Sige. Sino available?

Lamas Massage: Si Alvin, si Shan tsaka si Tonio.

Matagal ang reply. Natapos na ni Letlet (phone operator na minsan eh tagaluto) ang May Bukas Pa.

1 new message recieved: Gwapo ba si Tonio?

Lamas Massage: Lahat nman po ng male therapist namin gwapo.

1 new message recieved: Talaga? Pwede pa-describe nman po si Tonio.

Lamas Massage: (sa isip lang: mukhang manyakis to ah) Matangkad po. Siguro mga 5'8". Moreno po n mejo big ang body.

1 new message recieved: Sure ka ha?

Lamas Massage: Opo. Ano po name nyo tsaka location?

1 new message recieved: Dondon. Sa ***************** sa Pasig.

Lamas Massage: Sir ilang oras po?

1 new message recieved: 2hrs. Mga ilang minutes?

Lamas Massage: Sir mga 30mins po.

1 new message recieved: O sige. W8 ko ha?

Letlet: Oy, Tonio salang ka. Sa Pasig. 2 hours. Mukhang manyakis.

Tonio: Pa'no mo nalamang manyakis.

Letlet: Eh, pina-describe ka pa sakin eh.

Tonio: O? Ano sabi mo?

Letlet: SAbi ko lahat ng therapist natin gwapo.

Pasok si Shan na pupungas-pungas pa. Halatang bagong gising lang ang gago.

Shan: Sabi mo lahat? Lahat ba kami gwapo? Si Alvin ba gwapo?

Letlet: Ang ingay mo gagao ka baka marinig ka non.

Shan: Tulog pa yun.

Letlet: Maligo ka na mamaya dadami na clients. Tsaka gisingin mo na si Kuya sabihin mo ihatid si Tonio.

Sa totoo lang malapit lang naman ang spa namin sa Pasig pero gusto ko muna paghintayin ang kliyente. Kakain muna ako tapos maliligo para fresh pagdating ko. Minsan kasi kapag sobrang dami ng clients at sunud-sunod, alcohol na lang ang binubuhos sa katawan. Eh sabi nila bawal daw maligo pagkatapos ng mag-masahe, nakaka-pasma daw. Although hindi naman ako naniniwal kasi wala namang scientific basis pero yun ang sabi ng mga matatanda eh.

Medyo sa kaloob-looban pa pala ng Pasig nakatira ang client at isa sa mga low-rise condominium. Hmmm? Mukhang mayaman . Magkano kaya iti-tip sa akin?

Dahil nga condo eh mahigpit ang security. Andaming tanong pa nung guard. Nanghingi ng i.d. etc. Tapos antagal ko pang naghintay sa labas kasi antagal sumagot ng intercom nung client until finally after 10 minutes na paghihintay, pinaakyat din ako. Pinagbuksan ako ng isang lalaki. Siguro nasa mid-30's na sya. Hindi naman katangkaran at medyao payat. Mukhang guro.

Client: Pasensya na ha? nakatulog ako. Antagal mo kasing dumating.

Nakatulog? Eh, basa ang buhok nya at amoy sabon. Mukhang bagong ligo tapos sabihin nakatulog.

Tonio: Medyo natagalan po kasi, sir yung sundo ko.

Client: Ganon ba? Pasok ka.

Malinis ang bahay. Medyo maliit pero malinis. maganda ang finishing.

Tonio: Sir, san po tayo?

Client: Dun tayo sa kwarto.

Isa lang ang kwarto so malamang yun ang kwarto nya. Pagpasok namin, agad syang nagtanggal ng damit nya. Lahat hinubad nya pati brief at sabay dapa sa kama.

Tonio: Sir, ilang oras po?

Client: 2 hours.

Sinimulan ko na ang masahe. Moderate lang daw sya. Hindi daw nya trip yung mabigat na masahe dahil hindi daw sya nare-relax. Sa totoo lang mas gusto ko talaga yung moderate lang na massage kasi hindi mahirap gawin. Hindi nakakangalay.

Client: anong pangalan mo?

Tonio: Tonio po.

Client: Ahhhh... ilang taon ka na?

Tonio: 24 po.

Client: Bata ka pa pala. Ako tingin mo ilang taon na?

Potah. Ayaw na ayaw ko pa man ding pinapahulaan sa akin ang edad ng tao. Kaya kahit alam kong nasa mid-30's na sya, binola ko na lang ng kaunti.

Tonio: Sir, tantya ko nasa 29 pa lang kayo.

Client: Talaga? (at may hagikgik pa na kasama. Anlandi.) Sa totoo, 36 na ako.

Tonio: (nilangisan ko pa ng kaunti) talaga, sir? You don't look like 36, sir. mukha pa rin kayong bata. Ano ba ang sikreto nyo.

Kailangan talaga malangis.

Client: Wala. tamang pagkain lang tsaka tamang pahinga.

Gusto ko sanang matawa pero napaka-impolite naman. Hayaan ko na lang sya sa ka-feelingan nya.

Mga isang oras ko na syang minamasahe. Akala ko tulog na sya kaya nagulat ako nang bigla syang magsalita.

Client: Hindi ka ba naiinitan sa scrubs mo?

Tonio: Ok lang po.

Pero sa totoo tumatagaktak na ang pawis ko.

Client: Alisin mo na kasi.

Tonio: Sir 'wag na po nakakahiya po sa inyo.

Client: bakit ka naman mahihiya eh pareho naman tayong lalaki.

Ako lalake ikaw bakla.

Client: Baka naman himatayin ka nyan sa init.

Tonio: Buksan na lang natin ang electric fan kung ok lang sa inyo.

Client: Naku... baka naman lamigin ang likod ko.

Ang sarap batukan. Ang landi pang magsalita akala mo nanakit naman nya ako. Akala nya papatulan ko sya. Oo, papatulan ko sya... suntukan.

Tonio: Sir, ok lang po ako. akyo na lang ang mag-relax.

Client: Ok.

Kapag trip ko ang minamasahe ko, nilalagyan ko ng kaunting landi ang pagmamasahe. Meron yung hahagurin ko ng dahan-dahan yung pagitan ng hita nya. Papasadahan ng kaunti yung butt-crack nya. Or patatamaan yung yagbols. Tuwang tuwa sila don.

Pero kapag hindi ko type, tulad nitong mokong na 'to, kahit iangat-anagat pa nya puwit nya (na madalas nyang gawin tuwing aabot ako sa hita nya), wala syang mapapala sa 'kin.

Tonio: Sir, harap na po kayo. Sir. Sir, harap na po.

Nakatulog. Ito pa ang ginagawa ko kapag hindi ko trip yung client; kapag nakatulog sya, nagpapahinga muna ako. pampaubos din ng oras. Ang hirap din kayang magmasahe. masakit sa braso. Sa likod. Sa daliri.

After 10 minutes siguro nagising sya.

Tonio: Sir, napasarap yata tulog nyo. Sa harap na po.

Client: Oo nga eh.

Pagharap nya, nakatayo ang uten nya. Anliit. Parang mani lang.

Client: Oops! Pasensya na. Ikaw kasi eh, nakaka-L ka.

Tonio: Tado! (pero pabulong lang.) Sir, relax lang po kayo.

Client: Try ko ha... ang pogi mo kasi hindi ako maka-relax.

Tonio: Naku binobola nyo naman ako. Pangit lang ako.

Client: Naku, hindi ka pangit. Kahawig mo nga yung ex ko eh.

At pagkasabi nun, pinisil ko ng sobra ang hita nya na ikinagulat nya.

Client: Aahhh! nasobrahan mo ata.

Tonio: Hindi sir, may lamig po kasi.

Hahahahaha! lamig sa hita.

Client: Ganon ba?

Tonio: Opo. Kailangan durugin natin yan.

Client: Bakit? Ano mangyayari kapag hindi nadurog.

Tonio: Maiipon, sir!

At diniin ko pa lalao. Magkabilang hita. Napapauop na sya sa ginagawa ko. At napapahawak pa sa braso ko.

Pagod na pagod sya nung matapos ko hita nya.

Client: Grabe ka pala mag-massage.

Tonio: Sir, relax na lang kayo ulit.

Habang minamasahe ko dibdib nya, nagulat ako nang bigla nyang dinakma uten ko.

Tonio: Sir, wala pong ganyanan. Masahe lang po ang ginagawa ko.

Wehehehehehe! Nagmamalinis. Syempre para kunwari walang bahid dungis. Marangal na masahista pa rin. Epal talaga ako.

Client: Pasensya na hindi ko talaga mapigilan. Ikaw kasi eh.

Tonio: Sinisi nyo pa ako. tatapusin ko na po to. Ilang minutes na lang.

Client: Naku na-offend ka yata.

Tonio: Kasi sir, na-insulto po ako. Hindi naman po lahat ng masahista ume-extra.

Client: Nakakahiya naman yung ginawa ko.

Hindi ako kumikibo. Sa totoo, hindi naman ako na-offend. Madami na nakahawak sa manoy ko. Hindi ko lang talaga sya gusto.

Nakahalata yata sya at bigla syang naupo.

Client: Naku, Tonio, nahihiya na tuloy ako. Sige, tapos na tayo. Ok na ako.

Tonio: Sir, may ilang minutes pa tayo. tapusin na po natin.

Client: 'Wag na. Pasensya ka na sa ginawa ko. Ok na. Tapos na.

Tonio: Ok po. Kayo po ang bahala. Sorry din po kanina, hindi ko po kasi ginagawa yun eh.

Nagbihis na sya at nagligpit na din ako ng gamit ko.

Tonio: Sige sir, text na lang po kayo ulit kapag magpapa-masahe kayo.

Client: Sige.

At inabot nya yung bayad. Paglabas ko ng unit nya, binilang ko yung binigay nya. Nag-tip sya ng 500. Nahiya talaga sya sa ginawa nya.

Haaaay! Never under-estimate the power of "guilt-tripping".