Pages

Saturday, July 31, 2010

Ako si Tonio Tagalamas

Hi! Ako si Tonio. Isa akong masahista sa isang home-service spa. Sa karamihan , ang tingin nila sa mga masahista e callboy. Masakit para sa amin yun pero dahil nga kasi totoo minsan. Minsan lang naman. Actually, hindi na ako magmamalinis. Minsan ginagawa ko din yun. Ume-extra service ika nga nila. pero syempre hindi ko ginagawa iyon sa lahat ng client ko. Namimili din naman ako. Mahirap talaga kasi ang buhay masahista. kaunti lang ang kinikita namin kaya talagang nabubuhay lang kami sa tip ng mga client. At syempre sa Pag-eextra sevice. 'Wag na kayong manghusga kasi kanya-kanya namang diskarte yan eh. Sabi ko nga mahirap ang buhay, di ba?

Itong blog na ito eh tungkol sa mga "adventures" ko as a masahista. Kapag masahista ka kasi ang dami mong nakikilang tao. And when I say makikilala, as in makikilala mo talaga sila in their most private state. Kasi, ang tao iba ang projection sa labas. Disente. Mahinhin. Malinis. Banal. Iba-iba. kaya magugulat ka kapag kayong dalawa na lang sa kwarto. Yung iba, sadyang mahinhin talaga. Yung iba agresibo, kala mo re-rapein ka. May iba naman saksakan ng OC. Yung tipong paliliguan ka muna ng alcohol bago ka nila pahawakan. Nakakatawa. Minsan nakaka-lungkot na feeling mo naba-violate ka (malinis ako?).

And speaking of clients, marami na din akong naging client. Yung iba mga kilalang tao. May artista. Puitiko (pero wala pang big-time na pulitiko). Lalake, babae, tibo, bakla, matanda, estudyante, matrona - halos lahat yata ng uri ng tao namasahe ko na.

Kaya sa susunod na mabasa nyo 'tong blog ko at naka-relate kayo, malamang namasahe na kayo ni Tonio Tagalamas!

No comments:

Post a Comment