Pages

Friday, October 15, 2010

Dear Charo

Dati, kapag nakakapanood ako ng MMK sa TV, duda ako kung totoo yung sulat nila. Pero lately meron na silang pinapakitang mga letrato nung sender. Kaya naisip ko kung isasadula sa MMK ang buhay ko, sino kaya ang bagay na gumanap? At kungh ano ang magiging title. Unang pumasok sa isisp ko si Coco Martin. Mahusay naman syang umarte, at tulad ko, moreno, may katangkaran, at pareho kaming magandang lalake na hindi pwedeng kontrahin ninuman. Sa tingin ko mabibigyan nya ng justice ang lifestory ko. Pangalawang pumasok ay si Sid Lucero. mahusay. galing sa angkan ng mga batikang artista. At syempre gaya ko rin syang moreno at gwapo. Ang nasa last na naisip ko ay si Jake Cuenca. Yun lang.

At kung title naman, medyo mahirap yata yun. Hindi ko yata kayang isispin mag-isa. kaya kung meron man kayong maisa-suggest... feel free.

At pagdating sa leading lady naman, nasa top 3 ko si Angel Aquno, tapos si Angelica Panganiban and lastly si Heart Evangelist altough hindi na sya Kapamilya. Kwentuhan lang naman eh.

No comments:

Post a Comment