Lumaki ako sa panonood ng mga cartoons. Paborito ko nun yung mga action tsaka yung mga old school animes. Wala pa nung Naruto o Ben 10. Uso non yung He-Man, She-Ra, Thundercats. Kaya gumawa ako ng Top mPicks para malaman nyo ang mga favorite cartoons ko (not like you care, di ba?).
Top 10: Teenage Mutant Ninja Turtles - Naalala ko pa yung favorite ko. Si Raphael. lagi ko syang dino-drawing non. Pati mga classmates ko nagpapadrawing sa 'kin ng Ninja Turtles. Napagalitan pa ako ng lola ko dahil yung aparador nya pinuno ko ng stckers ng Ninja Turtles. At bad trip nba bad trip ako nun kay April O'neil dahil pakialamera. At dahil sa kanila nagkaroon ako ng fascination sa pizza.
Top 9: Spider-Man and His Amazing Friends - Idol na idol ko nun si Iceman kasi ang galing nya. Dati pinapangarap ko pa na makasakay dun sa ice slide nya.
Top 8: Mighty Orbots - Eto ang favorite ko noon panoorin sa ABC5. panalo 'tong cartoons na 'to. Pero banas na banas ako kay Ono kasi ang epal ang sarap batukan. Top 7: He-Man and the Masters of the Universe - Si He-Man ang nag-inspire sa akin nung grade 5 ako na magpa-bangs. kaya kung makikita nyo yung class picture ko nung grade 5, may bangs ako. At kakalase ko naman si JepJep, ang kapitbahay naming ubod ng payat kaya tawag namin sa kanya, Skeletor. Although hindi naman payat si Skeletor.Top 6: She-Ra Princess of Power - Syempre kung may He-Man, anjan naman yung twin sister nya, si She-Ra. Maganda si She-Ra. Seksi. Pero nagboboses bakla kapag nagta-transform.Top 5: Superfriends - Favorite ko nu si Aquaman. Para sa 'kin non sya ang pinaka-cool sa lahat. Pero kailanman, hindi ako natutong lumangoy. At kumausap ng isda. At the best yung Wonder Twins. Pero wala namang silbi yung powers ni Zan. Nagiging tubig lang? At saan kinukuha ni Glick yung balde?Top 4: Thundercats - Nung bata kami paborito namin to nung kapatid ko. Sya si Panthro ako naman si Tygra. Gagawan ko pa sya ng chako non na yari sa lubid at patpat. Ako naman yung lubid lalagyan ko ng tatlong jolens sa dulo. Nagpapabili pa ako ng coloring books non na Thundercats sa nanay ko.Top 3: Visionaries, Knights of the Magical Light - Although nung una natatakot ako kay Merlyn, pero maganda sya. Favorite ko nun si Arzon, yung nagiging hawk. Inggit na inggit pa ako dun sa kalaro ko nun kasi meron syang action figure ni Arzon. At some point binbalak ko pang nakawin yun. Pero hindi ko na tinuloy kasi nawala din nya sa field trip eh. Somehow, hindi ako maka-relate kay Leoric. Siguro dahil sa bigote nya.Top 2: The Transformers - Eto lahat yata ng bata at naging bata alam 'to. Sina Optimus Prime, Megatron, at ang paborito ng lahat, si Bumblebee. Maganda din naman yung movie ni Michael Bay nito pero somehow, purist ako pagdating dito.Top 1: Uncanny X-Men - Ang pinaka-favorite kong cartoons noong bata ako! X-Men. The best ito para sa 'kin. dati pa ako nagko-collect ng trading cards ng marvel. Amaze na amaze ako noon sa art. tapos nung magkaroon ng tagalized comics nito, lagi akong bumibili. Sayang nga lang wala na yun. Nalugi siguro. Pero pagsapit ng Friday, uunahan ko na ang lola ko sa tv kasi ang gustung-gusto nyang panoorin non e VILMA! Kay mula sa Power Rangers at Are you Afraid of the Dark, nakababad nas ako sa TV. Ang catchy pa ng theme. Tinininininininin... at secretly, pinagjakolan ko pa noon si Rogue.(tingnan nyo naman wetpaks nya dito. Yum! kagigil!)
No comments:
Post a Comment